Nauna pa akong magising kaysa tumunog yung
alarm clock ko. Nagluto ng oatmeal at naligo. Susuotin ko ba shorts? Mainit naman eh, at
UP naman yun. Hindi. Nagpantalon na ako at polo shirt.
Eskwelahan yun. Pupunta ako sa Diliman. Mag
eenroll na ako.
Quarter to 8 nasa college na ako. College of Human Kinetics. Wag kayong magalala, hindi PE ang kinuha ko dun. BSS.
Bachelor of Sports Science. Na kung minsan, pag may nagtatanong kung ano course ko sinasabi kong
Sports MED. May punto sa MED. :P Pero first choice ko ito. pang pre-med. Alam ko, magtataas kilay niyo, bakit hindi ako nag-bio, bakit hindi ako nagpsych,
hindi niyo ba tatanungin kung bakit ko pinili gusto ko? 15 lang kami sa BSS. May dalawang sure na magshshift. Nakakatuwa yung grupo namin,
Kim (Quezon City Science) boyish. Paolo (Ateneo de Naga) class clown toh. "OK lang nga na 15 tayo eh. ONE HAPPY FAMILY :P. Isipin mo sa Psych, 100++ sila,
PANO KAYA YUN MAGOOUTING?"
Vea (hindi ko maalala! soooorry) Jamie (ICA) maganda pero simple. Nagkakaintindihan kami tungkol sa pagiging conservative ng high school namin.
Office of the University Registrar
Ito na. Wag kang magkakamaling magdala ng magulang dito. Dahil nakakahiya. Pero bago mo iwan sila sa labas, pakampantehin mo muna silang KAYA mo at hindi ka magugutom. Dahil kung nahihiya ka nang ipa page ng driver niyo o ng daddy mo sa gate 3, eh dito mas nakakahiya..."o CASTRO, KUNIN MO PAGKAIN MO DITO. KUMAIN KA DAW SABI NG MOMMY MO"
Grabe. Pero sample lang yan. Hindi nangyari sakin yan. :)) Si Joanne ang nagcite niyan.
Isa pa, utang na loob, hawakang mabuti ang mga papeles mo kung ayaw mong matulad sa nakasabay ko kanina, pinapapage siya ng student volunteer dahil nalaglag niya yung Student Directory niya. at nakangisi pa. Wag ka, may TWO BY TWO ID pic doon. mygehd.
Dito naalala ko si Mrs Dacutan. si Lolah D.
"BAWAL ang papatay patay, palamya lamya! LISTO LISTO!"
Medyo na teary eyed pako :)) Sariling lakad ng papeles toh. Sariling sikap.
OK na subjects ko. Kaya lang hindi ko nakuha yung Tennis. Nasa LINE DANCE ako. Pinakopya yung sked ko sa carbon carbon carbon papers. Meron dun... DAYS Nilagay ko, 2..2..2..2. (kasi diba, TTH -2 days yun? eh meron kasing mga klase na 1 day lang)
pero hindi pala, dapat TTH o WF lalagay dun, o Monday.
Bigla akong napaisip, nakapasa kaya talaga ako?
haha :P
Parang nagaapply ka lang ng VISA dun sa pag eenlist, pag vavalidate at pag aassess. Lipat nang lipat pwet mo sa upuan. Imbyerna.
Mabait yung student volunteer sa enlistment. Nagaadvise pa siya.
NR ako sa Validation.
Assessment. Hindi ko pala nalagyan ng pangalan ko :)) laboooo :))
Ayos naman pala kami ni Freedom. Hindi na niya ako nilito at hinilo tulad ng ginawa niya nung pre enlistment at pagpipili ng subjects. Nalakad ko mga papeles ko nang maayos. Ako nagbayad ng tuition ko. (financed by my mom haha) Ako nagdesisyon sa sched ko. Tama sabi ni Joanne, masarap din maging magisa. Nakakapagisip ka. Nakakaisip ka. Nakakagalaw ka. Nakakatakot minsan pero Nakaka excite. Yun ang pinakamasaya.
Excited na ako.